PAG-IBIG

May pag-asa pa ba na maging masaya ang ta’yo
Sa istorya ng pag-ibig na ako nalang ang nakatayo”
Tumayo’t lumaban mapanatili lang ang tagumpay sa dulo!
Habang ikaw naman ay mas piniling huminto at sumoko.

Oo” Ako ay tanga! Nagpakatanga binaliwala lahat ng sakit’
Oo” Ako ang naiwan’ Naiwang lumalaban mag-isa ng pilit’
Sa daming nagmalasakit, nagsabing dapat hinayaan na kita!
Ngunit… Wala-Bingi-Bulag-Manhid at napakarami ring dahilan
para ipag-laban kita.

Hindi sinisisi sa hirap ng dinaranas ko
Para sa’yo’ hindi rin nagagalit sa pagod na ikaw ay ipagtanggol ko’
Wala ka mang ka alam-alam sa mga pasakit na ito.
Dahil malamang may iba nang nagpapaikot ng mundo mo.
Sisihin ay walang iba kundi ang sarili ko’
Lubos nasobrahan sa pagsasakripisyo.

Kasalanang ang may gawa kundi ako’
Labis-labis kasi ang pagmamahal sa’yo kahit ang mata mo’y
Nakatingin sa kanya at nagpapatuliro

Punong-puno parin ang puso ko
nang pangalan mo
Kahit dapat nang matauhan
Ako naman ang wala nang lulugaran pa Di’yan sa puso mo,

Nagpapakatatag at Magpapakasaya nalang ako
Sa pagtupad ng mga pangarap ‘
Kahit wala ka sa piling ko
SA dulo, masasabi sa sarili na hindi ako nagkulang sa gawa !
Pinaglaban ang Love Story natin sa mag-isa kong isinalba.